Pilipinas magho-host ng Asian Mixed Martial Arts tournament sa Oktubre

Rico Lucero
Photo courtesy: Philstar

Magho-host ang Pilipinas ng inaugural  (AMMA) Manila Open sa Oktubre 14-16 sa Pasay City, inihayag ng mga organizer nitong Miyerkules.

Nasa kabuuang 130 mandirigma  ang magpapakita ng pinaghalong tradisyunal at modernong martial arts techniques mula sa iba't ibang bansa. Sampung Filipino fighters naman ang kakatawan sa Pilipinas, kung saan, maingat na pinipili ang  mga mandirigma, at kapag buo na ang roster list nito ay ilalabas ito sa lalong madaling panahon.

Ayon kay National Mixed Martial Arts Federasyon ng Pilipinas Secretary General Alvin Aguilar, naghahanap pa rin sila ng mga mahuhusay na manlalaro sa MMA at kanila itong susuportahan para taiyak na manalo sa kompetisyon. 

"Palagi kaming naghahanap ng pinakamahusay na kumatawan sa ating bansa, ang mahalaga ay mayroon tayong patas na pagpili at siguraduhing ang pinakamahusay lamang ang kumakatawan sa ating bansa at kapag nandoon na tayo ay tinitiyak natin na makukuha nila ang pinakamahusay na suporta at gagawin natin sure mananalo sila," ani Aguilar 

Samantala, ibinahagi naman ni AMMA Sports Director Galastein Tan na ang pagpili ng manlalaban para sa Manila Open ay batay sa mga opisyal na ranggo at kamakailang mga pagtatanghal.

“Dalawang competition na kami dati at binuksan namin ang registration sa lahat ng NF, NOCs para makapag-sign up sila, meron kaming 130 sign ups at base sa performance nila kaya priority ang mga nanalo ng unang 2023 championship at 2024 championship at the next batch is based on their rankings in the world," paliwanag ni Tan.

Ang Asian Mixed Martial Arts (AMMA)  ay itinatag noong 2022 sa Singapore, kung saan, layunin ng AMMA na i-promote at bumuo ng mixed martial arts sa buong Asia. Ito ang tanging pan-Asian mixed martial arts federation na kinikilala ng Olympic Council of Asia.

Ang matagumpay na pagho-host ng Inaugural Asian Mixed Martial Arts Championship sa Thailand noong 2023 ay nagdala ng sariwang enerhiya sa isport sa buong Asean region. Nagsilbi rin itong pambuwelo upang iangat ang pagkilala sa isport kapwa sa Asya at sa buong mundo.

Samantala, sinabi naman ni Philippine Olympic Committee President Bambol Tolentino na malapit nang maisama ang MMA sa mga regional games. Ito ay maaaring isa pang potensyal na mapagkukunan ng medalya para sa bansa.

"Abangan mo 'yan, baka in a few weeks or a few months baka biglang ma-announce na MMA will be included in the SEA Games and Nagoya. Not only an honor for the Philippines but for the entire members of these Asian MMA Group, "ani Tolentino

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
5
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
11
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
11
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
7
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
7
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
7
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
4
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
4
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
13
Read more

June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

JuneMarFajardoJerichoCruzMarcioLasiterLeoAustriaAlfrancisChuaSanMiguelBeermenPBABasketball
5
Read more

Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

BobbyRosalesWillieMarcialAtty.OgieNarvasaJunnieNavarroTerrafirmaDyipBasketball
6
Read more

Manny Pacquiao at Mario Barrios, kapwa humiling ng rematch

MannyPacquiaoMarioBarriosBuboyFernandezFreddieRoachPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
5
Read more

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
9
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
10
Read more