Philippine Olympic Committee, pinasalamatan si PBBM sa pagbibigay-pugay sa mga atletang Pilipino

Rico Lucero
PHOTO COURTESY: BOMBO RADYO LEGAZPI

Pinasalamatan ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino si Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil sa pagbibigay pugay nito  sa mga atletang Pinoy na sasabak sa 2024 Paris Olympics.

Ayon kay Tolentino, ito ang unang pagkakataon sa SONA ng Pangulo na kinilala at binigyang pugay nito ang mga ambag at ginagawang pagsasanay ng mga atleta ng bansa.

Kinilala rin ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SOINA ang katatapos na Palarong Pambansa kung saan ay isa itong hakbang ng mga atleta para mahubog ang kanilang abilidad pagdating sa larangan ng Sports.

Una na ring pinasalamatan ni Tolentino si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa mga     ibinigay nitong tulong pinansyal sa mga atletang sasabak sa Paris Olympic gaya ng ng 100 euros na cash allowance at iba pang maaaring makatulong sa mga atleta habang ginaganap ang Olympic.

Matatandaang, kabuuang 22 mga atletang Pinoy ang nasa Paris France ngayon na bahagi ng delegasyon ng Pilipinas para sa 2024 Paris Summer Olympics na magsisimula sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11, 2024.

Ito na rin ang pang ika-100 taon ng paglahok ng bansa sa Olympics mula noong 1924.