PH chess team nakasungkit ng 2 ginto sa Laos
Nagpamalas ng golden performance sina Kaye Lalaine Regidor at Apple Rubin ng Philippine Chess Team sa katatapos lamang na 22nd ASEAN Age Group Chess Championships na ginanap sa Vientiane, Laos.
Pinangunahan ni Regidor, isang World Under-15 silver medalist sa Greece noong nakaraang taon, ang ninth at final round ng girls’ blitz event para sa mga 16 years old kung saan nakapagtala siya ng 6.5 points, sapat para matalo ang top seed na si Nguyen Bin Vy ng Vietnam.
Habang naging dominado naman si Rubin sa girls’ blitz section para sa mga 14 years old kung saan nakapuntos siya ng 8.5 points over nine at tinalo si Do Ha Trang ng Vietnam.
Nakamit naman ni John Curt Valencia ang bronze sa Open Under-12 side.
Ang pagkapanalo nina Regidor at Rubin ang naging daan upang makaiwas ang Pilipinas sa gold medal shutout sapagkat isang silver at dalawang bronze lamang ang nakamit ng bansa sa individual standard event ng torneong ito.
Naipanalo ni Iana Angela Sotaridona (G14) ang silver habang ang dalawang bronze naman ay natamo nina Khana Kathrine Ventolero (G10) at Royce Caleb Garcia (Open U8-10).