Perpektong standing, target ng TNT at SMB
Target ng TNT Tropang Giga at San Miguel Beermen ang 3-0 na panalo sa pagpapatuloy ng PBA Season 49 Governors’ Cup.
Lalabanan ng Tropang Giga ang Converge FiberXers habang ang Beermen at Ginebra Gin Kings naman ang magtutuos sa second game.
Sa kasalukuyan, mayroong 2-0 standing ang TNT sa Group A kasunod ang Converge (1-1), NorthPort (1-1), Magnolia (1-1), Meralco (1-1) at Terrafirma (0-2).
Matantandaang umiskor ang TNT ng 93-73 panalo kontra sa Meralco, habang natalo naman ang Converge sa Magnolia sa score na 93-105.
Pangungunahan ni import Rondae Hollis-Jefferson ang TNT katuwang sina Calvin Oftana, Rey Nambatac, Jayson Castro at Poy Erram, habang sina Converge import Scotty Hopson, Alec Stockton, Justin Arana, Kevin Racal, Alex Cabagnot at Bryan Santos ang mangunguna sa kanilang koponan.
Samantala, pakay din ng SMB na makuha ang 3-0 standing kontra sa Ginebra.
Matatandaang pinatumba ng Beermen ang Phoenix Fuel Masters, sa score na 111-107, kung saan humakot si June Mar Fajardo ang 37 points at 24 rebounds.
Samantala, nakalasap naman ang Gin Kings ng pagkatalo kontra sa sa Rain or Shine Elasto Painters sa score na 73-64, kung saan nadiskaril ang debut nina Season 49 No. 3 overall pick RJ Abarrientos, Season 48 Rookie of the Year Stephen Holt at center Isaac Go bilang ka-Barangay.
May magkakatulad na 2-0 record ang SMB, Rain or Shine at NLEX sa Group B, habang may 0-1 marka ang Ginebra kasunod ang Phoenix (0-2) at Blackwater (0-3).