PBA: Tropang Giga nakuha ang panglimang panalo vs. NLEX

RondaeHollies-Jefferson RRPogoy ChotReyes TNT TNTTropangGiga NLEX NLEXRoadWarriors PBA Basketball
Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Nakuha ng TNT Tropang Giga ang kanilang pang-limang panalo, nitong Miyerkules ng gabi, January, 15, matapos talunin ang NLEX sa Ninoy Aquino Stadium, 94-87, sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Commissioner’s Cup. 

Nanguna sa panalo ng TNT si Rondae Hollies-Jefferson na nakagawa ng 23 points, 14 rebounds, seven assists, at tatlong blocks, habang si RR Pogoy na produkto ng FEU ay nakagawa ng 18 points, dalawang rebounds isang block, at isang steal. 

Ayon kay TNT head coach, Chot Reyes, talaga umanong inasahan na nila na hindi magiging madali larong ito kagabi dahil target din ng NLEX na manalo sa para maiwasan ang ikalimang sunod na talo.

Nagpasalamat din si Reyes na nalusutan nila ang higpit ng depensa ng kanilang kalaban at nakarekober sa laro bago pa man mahuli ang lahat sa kanila. 

“First of all, we had no delusions that this would be an easy game. We knew that NLEX is fighting for survival so we anticipated it. [NLEX] took away a lot of the things that we do, and I thought that we were taking it a little bit too easy at the start. Thankfully, we recovered in the end game,” ani Reyes. 

Dahil naman sa panalo ng Tropang Giga ay mayroon na itong 5-2 win-loss record, habang ang NLEX naman ay mayroon nang 3-6 win-loss record at ito na rin ang kanilang  ikalimang sunod na talo. 

Sa Biyernes, January 17, susubukan ng TNT na makuha ang ika-anim na panalo kontra Barangay Ginebra sa Philsports Arena. 

The Scores: 

TNT 94 – Hollis-Jefferson 23, Pogoy 18, Oftana 14, Erram 8, Aurin 8, Castro 6, Razon 6, Nambatac 5, Galinato 2, K.Williams 2, Khobuntin 2, Heruela 0.

NLEX 87 – Watkins 33, Alas 16, Torres 7, Policarpio 6, Mocon 6, Herndon 6, Bolick 4, Valdez 4, Rodger 3, Ramirez 2, Fajardo 0, Nieto 0.

Quarter Scores: 24-19, 39-39, 67-63, 94-87.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
8
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
7
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more