PBA: Tropang Giga iniwanan ng Dyip; 84-72

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Sa unang pagkakataon, tuluyang nasungkit ng Terrafirma Dyip ang kanilang kauna-unahang panalo sa PBA Season 49 Governor’s Cup kontra Tropang Giga sa score na 84-72 sa Ninoy Aquino Stadium nitong Huwebes ng gabi. 

Ito rin ang kauna-unahang panalo ng dyip laban sa TNT mula noong 2016. 

Sa first half ng laro ay lamang pa ang TNT subalit nahabol ito ng Dyip sa score na 57-50 bago matapos ang third quarter, at hindi na tinantanan ng Terrafirma ang fast break shot at 3-points shots na pinakawalan ng koponan lalo na ang back-to-back triples ni Paolo Hernandez at Andreas Cahilig sa 7:43 mark ng fourth period hanggang napag-iwanan na ng Dyip ang Tropang Giga sa score na 82-70, bago tuluyang naselyuhan ang panalo.

Nanguna sa panalo ng Dyip si Antonio Hester na nakapagtala ng 22 points at 10 rebounds habang mayroong 18 points si Stanley Pringle at 10 points naman ang naiambag ni Louie Sangalang. Si Pringle ang halos naging drayber ng Dyip sa fourth quarter at ibinuhos nito ang lahat ng kanyang makakaya para makuha ang rurok ng tagumpay kahit pa may ininda itong sakit sa tuhod.

"I won, finally. Well, I was a little hurt this game and my knee was just acting up a little bit from all the games, back-to-back. Coach let me sit out the second half -- I asked if I could sit out for a while and just activate and do my mobility on the bench, and the guys stepped up. I just came in really in the end and played hard in the end and we got the win," ani Pringle.

The Scores:

TERRAFIRMA 84 – Hester 22, Pringle 18, Sangalang 10, Cahilig 8, Ramos 7, Hanapi 7, Hernandez 6, Olivario 2, Carino 2, Ferrer 2

TNT 72 – Hollis-Jefferson 25, Pogoy 23, Oftana 5, Erram 4, Nambatac 3, Payawal 3, Varilla 3, Castro 2, Khobuntin 2, Williams 2, Heruela 0, Vosotros 0, Exciminiano 0

QUARTERS : 15-18, 32-36, 50-57, 84-72