PBA: Terrafirma, hindi na nakalasap ng panalo vs. Hotshots
Muli nanamang nakalasap ng pagkatalo ang Terrafirma Dyip sa kamay ng Magnolia Hotshots sa kanilang sagupaan nitong Huwebes, sa Ninoy Aquino Stadium, sa score na 99-98.
Dahil dito, wala pang naitatalang panalo ang Dyip matapos ang pitong laro nito. Hindi sumapat ang mga puntos na ginawa nina Antonio Hester na mayroong 39 points, Kevin Ferrer na may 18 at Stanley Pringle na kumamada ng 17 points kahit pa halos dikit ang kanilang laban kontra Hotshots.
Samantala, kahit hindi maganda sa tingin ni coach Chito Victolero, ang importante aniya ay nanalo sila.
“I know it’s an ugly win, but I will take it. One point, two points, three points, 10 points, 20 points, as long as we win the game,” ani Victolero.
Naging susi naman sa panalo ng Hotshots ang pagpapakitang gilas ni Hotshots Import Shabazz Muhammad, kung saan nakapagtala ito ng 20 points 4 rebounds at 1 assist, habang si Zavier Lucero naman ay mayroong 17 points at 5 rebounds.
Sa ngayon, hawak ng Hotshots ang 4 na panalo at 3 talo at nasa ikatlong pwesto sa Group A.
Sa Martes, September 17, makakaharap ng Hotshots ang TNT Tropang Giga habang sa Huwebes, September 19, ay makakalaban naman ng Terrafirma Dyip ang TNT.
The scores:
Magnolia 99 – Muhammad 20, Lucero 17, Abueva 15, Ahanmisi 9, Lee 9, Sangalang 8, Dionisio 8, Barroca 7, Mendoza 3, Eriobu 2, Reavis 1, Laput 0, Alfaro 9, Balanza 0.
Terrafirma 98 – Hester 39, Ferrer 18, Pringle 17, Hernandez 7, Olivario 6, Ramos 5, Cahilig 3, Sangalang 3, Carino 0, Hanapi 0.
Quarters: 17-20; 48-44; 69-71; 99-98.