PBA: Stephen Holt, Bong Quinto, at iba pa kikilalanin din sa 30th PBA Press Corps Awards
Bukod kin NLEX player Robert Bolick at 8-time MVP SMB player June Mar Fajardo, nakatakda ring kilalanin sina Stephen Holt ng Ginebra ang All-Rookie Team, si Kier John ‘Bong’ Quinto ng Meralco ang Mr. Quality Minutes, kasama ni Holt sa all-rookie selection sina Cade Flores ng NorthPort, Adrian Nocum ng Rain or Shine, Ken Tuffin ng Phoenix at Kemark Carino ng Terrafirma.
No. 1 pick ng Dyip si Holt noong season 48, taong 2023 at naging unanimous winner ito ng Rookie of the Year award. Naging kandidato din si Holt para sa MVP award, at nasama sa Second Mythical Team matapos pangunahan ang Terrafirma sa unang playoffs appearance sa Philippine Cup makalipas ang walong taon.
Samantala, si Quinto naman ay nanalo ng kanyang unang Mr. Quality Minutes award, na bersyon ng PBAPC ng Sixth Man of the Year.
Naungusan ng point guard ng Letran College ang nagwagi noong nakaraang taon na si Jericho Cruz ng San Miguel Beer para sa karangalan, na ang unang nakatanggap ay si Barangay Ginebra deputy coach Olsen Racela noong 1993.
Si Quinto ay nag-average ng 10.1 points, 3.4 rebounds, at 2.5 assists habang naglalaro ng isang average ng 26 minuto sa 39 na laro para sa koponan noong nakaraang taon.
Ang second round pick ng Bolts noong 2018 draft ang naging susi ng Meralco para sa una nilang PBA championship matapos talunin ang San Miguel sa Game Six ng PBA Philippine Cup.