PBA: SMB bigong makakuha ng panalo vs. NLEX

RobertBolick AnthonySemerad XyrusDane EnochValdez KevinAlas SMB SanMiguelBeermen NLEX NLEXRoadWarriors PBA Basketball
photo courtesy: PBA

Hindi napigilan ng San Miguel Beermen si Robert Bolick bago matapos ang  final period  para tuluyang talunin ng NLEX ang SMB, 104-99, sa PBA Season 49 Commissioner's Cup nitong Linggo ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo.

Umiskor ang shooting guard ng NLEX  ng 20 sa kanyang game-high na 39 points sa huling quarter at nagdagdag pa ng siyam na assists, para tuluyang mabura ng Road Warriors ang 19-point deficit at makuha ang kanilang ikatlong sunod na panalo. 

Dahil naman sa naging performance ni Bolick ay hindi naman naiwasang humanga ni NLEX head coach Jong Uichico sa galing at sa sipag na ipinamalas nito sa laro.

"I'm lucky that I have Robert as our lead point guard. You know he'll be there in the end game. What can I do without you? It makes your offensive game plan mas madali, kapag kasama mo si Robert. He makes great decisions, he makes big shots, he plays defense. So it's a luxury," ani coach Uichico. 

Bukod kay Bolick, si Watkins ay gumawa din ng 17 puntos, 28 rebounds at apat na blocks, habang si Anthony Semerad naman ay nagdagdag ng 12 puntos. Nag-ambag rin si Xyrus Dane ng 11 points, at si Enoch Valdez naman ay mayroong 10 points, habang ang nagbabalik na si Kevin Alas na naglaro ng ilang minuto ay nagbigay din ng apat na puntos, tatlong assist at dalawang rebounds.

Sa ngayon, mayroon ng tatlong panalo at isang talo ang NLEX habang ang Beermen ay mayroong isang panalo at isang talo.

Susunod na makakalaban ng Beermen ang Rain or Shine Elasto Painters sa Martes, December 10, sa Eco Filoil Center sa San Juan, Manila, habang ang Road Warriors naman ay susubukang makuha ang ikaapat na panalo laban naman sa Barangay Ginebra San Miguel sa December 11, sa Ninoy Aquino Stadium. 

Ang mga Iskor:

NLEX 104  – Bolick 39, Watkins 17, Semerad 12, Torres 11, Valdez 10, Rodger 8, Alas 4, Herndon 3, Marcelo 0, Bahio 0

SAN MIGUEL 99 – Miller 21, Fajardo 20, Perez 14, Tiongson 11, Tautuaa 1, Trollano 10, Lassiter 6, Brondial 2, Cahilig 2, Rosales 2, Cruz 0, Ross 0, Enciso 0

QUARTERS: 17-21, 40-53, 71-75, 104-99

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more