PBA: Signal ng TNT lumakas vs. Dyip

Jet Hilario
Photo Courtesy: PBA Images

Hindi pumayag ang TNT na maka-isang panalo ang Terrafirma sa kanilang sagupaan sa pagpapatuloy ng PBA Governors’ Cup season 49, 107-89. 

Tila lumakas ang signal ng TNT nang humataw ng husto at nagpakitang gilas muli sa court si Rondae Hollis-Jefferson na nakapag-ambag ng 26 points 11 rebounds 7 assist 2 blocks at 1 steal kung saan lalo pang kumawala ang koponan ng TNT sa huling 6 na minuto ng laro sa fourth quarter kung kaya ang lumayo ang kalamangan nila sa Dyip. 

Sinabi ni coach Chot Reyes na hindi nakapag-practice ang kanilang koponan ng maayos bago ang kanilang laban sa Dyip, kaya pinanghawakan nalang nila ang kanilang kakayahan at pigilan ang matindi nilang depensa.

“We hardly had any practice because Rondae couldn’t run on his ankle until two days ago, same thing with Calvin (Oftana) as well,. We just have to rely on our ability to make stops and defend,” ani Reyes.

Bukod sa naiambag na puntos ni Hollis-Jefferson ay nakapagtala din ng puntos sina Pogoy 14 points , Erram 14 points, Aurin 13 points , Nambatac 10 points , at  si Castro na may  10 points. 

Sa ngayon, may kartada na ang TNT na 4-1 sa standings na nagtabla sa kapatid na koponan na Meralco sa tuktok ng bracket, habang ang Dyip naman ay bagsak sa 0-5 slate. 

Sunod na makakaharap ng TNT ang Converge sa Linggo, samantalang ang Terrafirma Dyip naman ay sasagupain ang bangis ng Northport Batang Pier sa parehong araw din na isasagawa naman sa Ninoy Aquino Stadium. 

 

The Scores :

TNT 107 - Hollis-Jefferson 26, Pogoy 14, Erram 14, Aurin 13, Nambatac 10, Castro 10, Khobuntin 7, Exciminiano 7, Heruela 3, Payawal 3, Ebona 0, Vosotros 0.

TERRAFIRMA 89 - Hester 23, Standhardinger 18, Hernandez 13, Ferrer 13, Pringle 12, Hanapi 3, Cahilig 3, Sangalang 2, Ramos 2, Olivario 0, Grospe 0.

QUARTERS: 30-22, 55-49, 76-68, 107-89.

Photo Courtesy: PBA Images