PBA: RoS coach Yeng Guiao, masaya sa nakitang performance ng kanyang mga dating players.

Rico Lucero
ROS head coach, Yeng Guiao/Photo by: Editorial Team

Masaya si Rain or Shine coach Yeng Guiao sa ipinakitang performance ng kanyang mga dating player matapos ang Game 3 kontra TNT Tropang Giga nitong Linggo ng gabi, Oktubre 13,  sa Dasmariñas, Cavite. 

Kahit na problema ang turing ni coach Yeng kina Rey Nambatac, Calvin Oftana at Paul Erram, ipinagpasalamat pa rin nito na nalusutan nila ang higpit ng depensa na ipinakita ng Tropang Giga kung kaya nakuha nito ang manipis na panalo, 110-109. 

“Siyempre masaya kang makita sila doing well with other teams, how they improved as a player from the time they played under me. Buti nakalusot kami kay Poy.”

“We’re able to hang in there against a great team, with a great import. Every game is a learning experience for us. Mabuti nailusot namin kasi ayaw naming ma-sweep kamukha nung last semis namin sa San Miguel," ani Guiao. 

Magugunitang dating player ni Guiao sa Elasto Painters si Nambatac, habang hinawakan naman niya sina Erram at Oftana sa NLEX.

Matatandaang nagpakitang gilas sa laro ang mga dating manlalaro ni Guiao kung saan nakapag-ambag ng mga importanteng puntos sina Nambatac at Oftana noong unang dalawang laro ng serye kung saan naipanalo ito ng TNT.

Samantala, sumambulat din si Erram ng career high-tying at playoffs career-best na 27 points, 5 rebounds, 3 assists, 3 steals at 2 blocks nitong Game 3.

Pagkatapos magtala ng 7 puntos sa first half, nagsalansan ng 9 sa third quarter ang 35-year-old big man bago ikinalat ang 11 niya sa dikdikang laban sa final canto.

Ngunit sa dulo ay nanaig ang pagsisikap ni RoS import Aaron Fuller para maitakas ng Rain or Shine ang panalo at ilapit ang best-of-seven series sa 2-1.

Sa Miyerkules, Oktubre 16, susubukan ng Elasto Painters na makaisa muli ng  panalo sa Game 4 kontra TNT sa pagpapatuloy upang itabla ang serye sa PBA Season 49 Governors' Cup semifinals.

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
6
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
8
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
7
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
6
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
7
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
4
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
4
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
13
Read more

June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

JuneMarFajardoJerichoCruzMarcioLasiterLeoAustriaAlfrancisChuaSanMiguelBeermenPBABasketball
5
Read more

Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

BobbyRosalesWillieMarcialAtty.OgieNarvasaJunnieNavarroTerrafirmaDyipBasketball
6
Read more

Manny Pacquiao at Mario Barrios, kapwa humiling ng rematch

MannyPacquiaoMarioBarriosBuboyFernandezFreddieRoachPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
5
Read more

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
9
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
10
Read more

Pacquiao, pursigidong manalo kontra Barrios kahit may edad na

MannyPacquiaoMarioBarriosPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationTopRankMPPromotionBoxing
8
Read more