PBA: Northport Batang Pier, kailangang manalo kahit walang import vs. Magnolia
Kailangang manalo ng Batang Pier sa kanilang laban kontra Magnolia Hotshots mamayang gabi para sa PBA Governors’ Cup elimination round kahit wala silang import player.
Hindi na muna makakapaglaro ngayon ang import player ng Batang Pier na si Venky jois dahil sa injury na natamo nito noong nakaraan nilang laban kontra Meralco. Huli na rin para sa Batang Pier para asikasuhin ang replacement ni Jois.
"Too late to bring in an import replacement. Kailangan pa ng FIBA clearance," ani NorthPort governor Erick Arejola.
Sakaling hindi nila makuha ang panalo mamayang gabi, ito ay nangangahulugang laglag na ang Batang Pier at magbibigay daan naman ito sa Hotshots para ipagpatuloy ang laban sa quarterfinals. Kung palarin naman na manalo ay makakalaban pa nila ang TNT tropang Giga sa Linggo.
Samnatala inaasahan naman ngayon ni coach Chito Victolero at ng kanyang mga manlalaro na maipanalo ang kanilang huling dalawang laro upang hindi lamang makuha ang quarters kundi maisalba ang pinakamahusay na seeding na makukuha nila sa post-elims play.