PBA: Meralco Bolts kinuryente ang Batang Pier

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Kinuryente ng Meralco Bolts ang Northport Batang Pier matapos na maunahan nito sa crossover quarterfinals at matalo sa pagpapatuloy ng PBA Governor’s Cup season 49.

Dito na sinamantala ng Bolts ang pagkakataon nang mawala sa kanilang landas ang Batang Pier import na si Venky Jois matapos na magtamo ng ankle injury sa unang quarter pa lamang ng kanilang laro. 

Nakabalikwas na ang Bolts matapos na matalo kamakailan kontra TNT kung saan mayroon na ang Bolts ng 6-2 win Loss standing sa Group A. habang ang Northport naman ay nakakuha ng  3-5 win-loss record. 

Kumamada ng 23 puntos si Allen Durham, 20 points naman si Chris Newsome at 19 points naman si Chris Banchero, habang nagdagdag naman sina rookie CJ Cansino at Brandon Bates ng tig-12 points at may 10 markers si Anjo Caram para tuloy-tuloy nang dalhin ang Bolts sa  score na 114-104. 

Nadismaya naman ang Batang Pier sa maagang pull out ni Jois dahil sa injury at ngayon ay tila nangangailangan nang punan nito ang iniwang butas ni Jois para sa dalawa pa nilang laban at magkaroon ng pag-asa sa quarterfinals. 

Samantala, kukuryentehin ng Bolts ang Converge sa Miyerkules, September 18 habang ang Northport Batang Pier ay susubukang maipanalo ang laro kontra Magnolia Timplados sa Biyernes, September 20.

The Scores

Meralco 114 – Durham 23, Newsome 20, Banchero 19, Cansino 12, Bates 12, Caram 10, Quinto 7, Almazan 6, Hodge 5, Pascual 0, Mendoza 0, Torres 0, Jose 0.

NorthPort 104 – Tolentino 28, Munzon 17, Cuntapay 12, Navarro 11, Yu 9, Flores 9, Amores 7, Jois 4, Bulanadi 4, Jalalon 3, Tratter 0, Onwubere 0, Nelle 0, Taha 0.

Quarters: 41-37, 67-59, 89-80, 114-104.

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlasPilipinasBeachVolleyball
11
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
10
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more

Joseph Javiniar wagi sa Road Cycling Elite Criterium event

JosephJaviniarRoadCyclingEliteCriteriumCycling
28
Read more

Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

JustinBrownleeJapethAguilarMasonAmosAJEduCalvinOftanaGilasPilipinasFIBAAsiaCupBasketball
19
Read more