PBA: Katatagan at Karakter ng RoS masusubok sa isa pang do-or-die Game 5 vs. Magnolia

Rico Lucero

Kasado na ang koponan ng Elasto Painters para sa kanilang pakikipagtunggali sa isa pang do-or-die game kontra Magnolia Hotshots bukas, Sabado, October 5, sa Ynares Center sa Antipolo City. 

Naniniwala si coach Yeng Guiao na sa pamamagitan ng labang ito ay magiging matibay na ang kanilang hangaring mawakasan ang walong taong pagka-uhaw sa kampeonato. Matatandaang nitong nakaraang Martes sa kanilang Game 4 ay nabigo ang Rain or Shine na makuha ang ikatlong panalo sa serye nang sila ay tinambakan ng Magnolia, 129-100. 

Ayon kay coach Yeng Guiao, masusubok na ang katatagan at karakter ng kanyang koponan sa kanilang sagupaan bukas (Sabado) laban sa Hotshots. 

“Yung experience of playing a Game 5, of being in a winner-take-all situation, sa akin, kasama na ng build up yun. We're always getting better every playoff game that we played,” ani Guiao. 

“So investment namin ito sa future ng team na para lalo kang tumitibay pag ka ganitong sitwasyon. So a Game 5 would be good for us as a team. This Saturday pag balik namin kailangan mas prepared kami for a very physical game, noting how the Hotshots played physically in the previous game.” sabi pa ni Guiao. 

“On our end, siguro kailangan kaming mag step up in terms of being a little bit more aggressive defensively and medyo yung transition game namin, yung running game namin, I don’t know if we’re tired or we’re a little slower or not able to get into the pace that we would usually be playing.” banggit pa ni Guiao. 

Sinoman sa Elasto Painters o Magnolia ang mananalo ay tiyak nang may slot sa semis.