PBA: Gin Kings nasilat Ang unang panalo sa quarter finals vs. Bolts

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Nakuha ng Barangay Ginebra ang kanilang unang panalo kontra sa kamandag ng kuryente ng Meralco Bolts, 99-92, sa Game 1 ng quarter finals ng PBA Season 49 Governors’ Cup noong Huwebes ng gabi, Setyembre 26, na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Bago nakuha ng Gin Kings ang kanilang panalo, lamang agad ng 5 puntos ang Meralco, subalit hindi pumayag ang Ginebra na mangulelat kung kaya’t sa oras na 7:40 minuto ng laban ay umabante na kaagad sila ng isang puntos, at kahit hindi masyadong pumapasok ang mga pinakakawalang tira ng Ginebra dahil sa higpit ng depensa ng Bolts ay nakalamang pa sa score na 22-16 matapos ang unang yugto. 

Bago naman tuluyang maubos ang oras sa 4th quarter ng laban, lumayo na ang kalamangan ng Gin Kings nang tambakan na nila ang Bolts ng 10 puntos na mayroon pang 2:50 minuto ang natitira sa laro. 

Humataw si Gin Kings import Justin Brownlee na mayroong 29 points, 12 rebounds, pitong assists at tatlong steals, habang nag-ambag naman ng 19 markers, limang boards at limang dimes si Scottie Thompson, habang 14 points at limang rebounds naman ang naitala ni Stephen Holt.

Ikinatuwa naman ni coach Tim Cone ang pagkakasungkit nila ng kanilang unang panalo sa serye kahit pa wala silang katiyakan na mananalo muli kontra sa lakas ng boltahe ng Meralco. 

"It's an interesting dynamic for us. We haven't played Meralco this conference yet so it's been kind of a feeling-out process. Justin hasn't been against (Meralco consultant) Nenad (Vucenic) and (coach) Luigi (Trillo) before, Stephen and RJ haven't played against Meralco (in a playoff) so it's a feeling-out stage,"  saad ni Cone.

The Scores :

GINEBRA 99 - Brownlee 29, Thompson 19, Holt 14, J.Aguilar 10, Cu 9, Abarrientos 8, Ahanmisi 8, Devance 2, R. Aguilar 0.

MERALCO 92 - Hodge 23, Newsome 20, Durham 17, Banchero 11, Quinto 10, Caram 6, Almazan 5, Rios 0, Mendoza 0, Bates 0, Cansino 0, Jose 0.

QUARTERS : 28-24, 53-43, 73-71, 99-92.

 

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more