PBA: FiberXers umarangkada ng panalo vs. Elasto Painters

AlecStockton FrancoAtienza ConvergeFiberXers RainOrShineElastoPainters PBA Basketball
photo courtesy: PBA

Nasungkit ng Converge FiberXers ang panalo kontra Rain or Shine Elasto Painters sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Commissioner’s Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium kagabi, January 14, 103-96. 

Bagaman sa unang dalawang quarter ng laro ay ang layo ng abante ng Rain or Shine sa Converge, ipinamalas naman ng FiberXers ang kanilang depensa pagsapit ng third quarter at unti-unti nang dumidikit ang score sa Elasto Painters. 

Pagsapit naman ng fourth quarter, pinangunahan ni Alec Stockton ang FiberXers kung saan kumamada na ito ng 17 puntos para sa kabuuang 21, at nagtala rin ng limang assists at apat na rebounds, habang si Jordan Heading naman ay nag-ambag ng 17 points, tatlong rebounds, at tatlong assists. 

Ayon kay Stockton, gusto niyang makabawi sa mga nakaraan nilang laro kung saan hindi rin naging maganda ang naging performance niya.

“For me, I played really bad in our last games so I wanted to make sure to bounce back this game and give my team a chance to win. I'm just grateful to have these coaches, sila coach Franco, coach Charles, and coach Willie. They give their trust in me so I just want to give back to them na they put me there to close the game out and I just want to make sure I do the job for them,” ani Stockton.

Samantala, ikinatuwa naman ni Fiberxers head coach na si Franco Atienza na nalimitahan nila ang kanilang kalaban.

"Going to this game, we know Rain or Shine likes to run and they're a good offensive team. Good thing, we're able to limit them below 100. It took us a lot para ma-stop sila. Dinala nila kami sa takbuhan, at ganoon din sa ilalim, but good thing really we gained the momentum somewhere in the second," ani Atienza. 

Dahil sa panalo ng Converge, mayroon na itong pitong panalo at tatlong talo habang ang Rain or Shine naman ay mayroon nang limang panalo at 3 talo. 

The Scores:

CONVERGE 103 – Stockton 21, Heading 17, Arana 15, Racal 13, Diallo 8, Baltazar 8, Winston 7, Delos Santos 6, Santos 6, Caralipio 2, Ambohot 0, Nieto 0.

RAIN OR SHINE 96 – Clarito 24, Thompson 22, Belga 14, Santillan 6, Nocum 7, Asistio 5, Tiongson 5, Ildefonso 2, Norwood 0, Datu 0, Lemetti 0.

Quarter Scores: 17-30, 47-43, 73-69, 103-96.

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlasPilipinasBeachVolleyball
11
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
10
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more

Joseph Javiniar wagi sa Road Cycling Elite Criterium event

JosephJaviniarRoadCyclingEliteCriteriumCycling
28
Read more

Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

JustinBrownleeJapethAguilarMasonAmosAJEduCalvinOftanaGilasPilipinasFIBAAsiaCupBasketball
19
Read more