PBA: Converge nagpakitang gilas agad vs. Terrafirma
Agad nagpakitang gilas ang Converge FiberXers laban sa Terrafirma Dyip sa score na 127-95 sa kanilang paghaharap sa pagsisimula ng PBA Season 49 Governors’ Cup.
Dominado agad ng Converge ang laro sa simula pa lamang ng laro, humataw agad sa 53-49 scoring sa first half ang FiberXers.
Matapos ang halftime, nagkaroon ng 16-3 atake ang Converge sa pangunguna nina Hopson at Stockton para maitala ang score na 79-52 kung kaya’t malayo na agad ang kalamangan ng FiberXers sa third quarter.
Ang ikatlong four-point shot ni Hopson ang nagposte sa score na 123-92 na kalamangan ng Converge sa huling 4:01 minuto ng fourth quarter dahilan kung kaya tuluyan nang napasuko sa laban ang Terrafirma.
Nanguna sa panalo ng Converge si Scotty Hopson na nagtala ng 46 points habang mayroong 21 points si Alec Stocton at 14 points, anim na rebounds, apat na assists at dalawang steals ang naitala ni Justin Arana.
Bumanat ang FiberXers ng 47 points sa nasabing yugto para hindi na makaporma pa ang Dyip nina dating Ginebra Gin Kings mainstays Christian Standhardinger at Stanley Pringle.
Humakot naman ang import na si Scotty Hopson ng 46 points, 8 rebounds at 3 assists para pangunahan ang Converge.
Samantala, nakapagtala si Pringle ng 19 points sa panig ng Terrafirma at may 18 at 17 markers sina import Antonio Hester at Standhardinger, ayon sa pagkakasunod.
Nakatakda namang magharap ang TNT Tropang Giga at Meralco Bolts mamayang gabi.
Matatandaang umiskor ang Tropang Giga ng 101-95 dahilan ng pagkatalo ng NorthPort Batang Pier nitong Martes, habang abang tinalo naman ng Bolts ang Magnolia Hotshots, sa score na 99-94.