PBA: Converge hindi tinablan ng kuryente ng Bolts; 105-97

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Pinatumba ng Converge ang kuryenteng hatid ng Meralco Bolts matapos na makuha ang 105-97 winning score nitong Miyerkules ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium sa pagpapatuloy ng PBA Season 49 Governor’s Cup.

Dahil sa panalo ng Converge, matibay na ang kanilang tsansa sa quarterfinals kung saan ngayon ay  may third-running 5-4 record na ito, at maaaring mapanatili ng Converge ang slot na ito at makakuha ng outright passage sa susunod na round kung mananalo ito sa Magnolia sa Lunes. 

Bumida sa panalo si Converge import Jalen Jones na nagtala ng 32 points at 10 rebounds habang si Alec Stockton ay mayroong bagong conference-high 27 points bukod sa 11 rebounds, 5 assists at 2 steals. 

“I really just wanna give my best for my team to win, qualify for the playoffs and that’s something that we missed last conference. This game was close for us to clinch the playoff spot.” ani Stockton.

Sa kabila naman ng mahigpit na laban, masaya si Converge interim coach Franco Atienza sa ipinakitang aksyon ng kanyang mga manlalaro at nais nilang lalo pang maging handa sa para sa nalalapit na Playoffs. 

“Whenever you play a close game, well if given a choice, whether to play a blowout game on our favor or a close game, but assured of win, we would choose the close game kasi that will build character,” ani Atienza.

Samantala, umaasa naman si assistant coach Charles Tiu na mananalo ang kanilang koponan kontra Northport at iyon din ang kanilang ipinapanalangin na matalo sila kahit isang beses sa natitira pa nilang dalawang laro. 

"We just need to win and pray that NorthPort lose at least one of their two remaining games." ani Tiu.

Ang mga Iskor:

CONVERGE 105  – Jones 32, Stockton 27, Arana 12, Winston 8, Caralipio 8, Delos Santos 7, Santos 6, Ambohot 3, Nieto 2, Melecio 0, Andrade 0, Vigan-Fleming 0, Fornilos 0.

MERALCO 97  – Durham 25, Cansino 21, Newsome 14, Quinto 12, Banchero 10, Caram 6, Hodge 5, Bates 2, Almazan 2, Jose 0, Mendoza 0, Rios 0.

QUARTERS:   29-30, 51-53, 79-77, 105-97.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more