PBA: Coach Tim Cone natuwa sa naging resulta ng kanilang laro vs. Phoenix

Rico Lucero
photo courtesy: PBA/onesports

Ikinatuwa ni coach Tim Cone ang naging pagtugon ng kanyang mga manlalaro pagkatapos ang laban nito kontra Phoenix Fuel Masters sa score na 112-96 nitong Miyerkules ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Governors’ Cup.

Maagang nakontrol ng Gin Kings ang laro at napanatili iyon hanggang sa natitirang bahagi ng laban para makuha ang playoff berth sa Governors' Cup, at ngayon ay may 6-3 win-loss record na sila  sa Group B. 

Ayon kay coach Tim Cone na nagkaroon ng motibasyon ang kanyang mga manlalaro matapos ang kanilang pagkatalo at tinambakan sa huli nilang laro kontra San Miguel Beermen noong nakaraang linggo. Para sa kanila ay nakakahiya ang naging pagkatalo nilang iyon. 

"Well, I don't think I have to fire them up very much because the game we came up against San Miguel, we're all disappointed with that game. Basically, we're ashamed of that game. I think we're really motivated to come back and play a better game tonight," ani Cone.

“Those are just some of the experiences we’re trying to go through as a team. You go through some really tough times and that makes you a little tougher. So I was really pleased with the bounce back tonight,” dagdag pa ni Cone.

Samantala, pinangunahan ni RJ Abarrientos ang Ginebra na may 24 puntos, limang rebounds, limang assists, at isang steal, habang si Japeth Aguilar ay may 21 points at si Scottie Thompson mayroong namang 20. Nag-ambag naman ng 13 puntos si Justin Brownlee at nagdagdag pa ng 12 si Maverick Ahanmisi.

Aarangkadang muli ang Ginebra ang kanilang paghahanda sa playoff laban sa NLEX Road Warriors sa Linggo, Setyembre 22 sa Smart Araneta Coliseum.

The Scores:

GINEBRA 112 – Abarrientos 24, J.Aguilar 21, Thompson 20, Brownlee 13, Ahanmisi 12, Holt 9, R.Aguilar 4, Mariano 3, Pessumal 3, Adamos 2, Garcia 1, Tenorio 0, Pinto 0

PHOENIX 96 – Perkins 18, Manganti 18, Francis 17, Ballungay 16, Tuffin 9, Tio 6, Verano 4, Muyang 3, Soyud 3, Salado 2, Alejandro 0, Rivero 0, Ular 0, Jazul 0, Daves 0, Garcia 0

QUARTERS: 36-24, 61-45, 90-75, 112-96