PBA: Boltahe ng Meralco, hindi kinaya ng Rain or Shine

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Hindi nakayanan ng Rain or Shine Elasto Painters ang kuryente ng Meralco Bolts sa kanilang unang paghaharap sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Commissioner's Cup nitong Linggo ng gabi, December 1, sa Ynares Center sa Antipolo City. 

Tinambakan ng Bolts ang Elasto Painters, 121-111, kung saan ang laro ay naging isang all-Filipino affair, dahil ang Rain or Shine ay sumabak sa giyera nang wala pang import dahil sa hindi pa na-secure ni Deon Thompson ang  kanyang “special work permit”, habang nawala naman agad sa laro ang reinforcement ng Meralco na si Akil Mitchell matapos siyang matamaan ng siko sa ilong ni RoS big man Keith Datu, ilang segundo pa lamang sa simula ng laro.

Kumayod ng husto ang Meralco kahit nawalan ito ng import at nakapagtala pa ng 33-25 lead bago matapos ang first quarter. Subalit bumawi ang Rain or Shine at pinutol ang kalamangan sa apat, 73-77, sa ikatlong yugto bago nakapagbuslo ng back-to-back layups si Jansen Rios.

Sa ika-apat na quarter, muling lumapit ang Elasto Painters, 101-105, matapos ang three point shot ni Jhonard Clarito, pero tumira si Norbert Torres ng isa ding three-pointer, na sinundan pa ng isang pares ng free throws ni Cliff Hodge para itulak ang kalamangan pabalik sa siyam, 110-101. 

Samantala, ikinatuwa naman ni Bolts head coach Luigi Trillo ang kanilang pagkakapanalo at sa naging performance ng kanyang koponan kahit pa kulang ang kanilang mga manlalaro at ang isa ay nagtamo pa ng injury.

"I'm really proud of the guys, most especially Norbert Torres. Norbert had a really big game. Obviously New [Chris Newsome], Bong [Quinto] are the usual suspects here, but even si Jansen [Rios] played well. We needed those guys to step up because kulang nga kami, we have five guys missing, I think that kinda motivated 'yung mga boys, kind of kept up sharp," pahayag ni Trillo. 

Dahil naman sa panalo ng Meralco ay mayroon na itong 2-0 win-loss record, habang ang RoS bigong maipanlo ang unang laro nila sa conference.

Bumida sa panalo ng Bolts si Chris Newsome na nagtala ng 25 points habang mayroong 20 si Bong Quinto. Nag-ambag din ng 16 markers si Jansen Rios, at 12 points at 16 boards naman ang naibahagi ni Raymond Almazan. Nagdagdag din ng 11 points at 11 rebounds si Hodge.

Babalik sa aksyon ang Rain or Shine sa Miyerkules, December 4, para harapin naman ang hindi pa natatalong Hong Kong Eastern, habang ang Meralco naman ay sasagupain ang  Terrafirma Dyip, sa Biyernes, December 6, sa Ninoy Aquino Stadium. 

The scores:

Meralco 121 - Newsome 25, Quinto 20, Rios 16, Torres 13, Almazan 12, Hodge 11, Caram 10, Black 9, Pascual 2, Jose 2, Pasaol 1, Mitchell 0.

Rain or Shine 111 - Datu 17, Nocum 15, Santillan 14, Clarito 13, Tiongson 12, Caracut 11, Lemetti 9, Belga 6, Norwood 5, Malonzo 5, Ildefonso 2, Demusis 2.

Quarterscores: 33-25, 52-49, 89-81, 121-111.

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
6
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
8
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
7
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
6
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
7
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
4
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
4
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
13
Read more

June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

JuneMarFajardoJerichoCruzMarcioLasiterLeoAustriaAlfrancisChuaSanMiguelBeermenPBABasketball
5
Read more

Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

BobbyRosalesWillieMarcialAtty.OgieNarvasaJunnieNavarroTerrafirmaDyipBasketball
6
Read more

Manny Pacquiao at Mario Barrios, kapwa humiling ng rematch

MannyPacquiaoMarioBarriosBuboyFernandezFreddieRoachPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
5
Read more

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
9
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
10
Read more

Pacquiao, pursigidong manalo kontra Barrios kahit may edad na

MannyPacquiaoMarioBarriosPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationTopRankMPPromotionBoxing
8
Read more