PBA: Blackwater positibong makakabawi ng panalo sa susunod na laban

Jet Hilario
photo courtesy: PBA

Kahit may tatlong talo na ang Blackwater Bossing, nananatiling positibo pa rin ang pananaw ni coach Jeffrey Cariaso sa kampanya ng Blackwater sa PBA Governors' Cup. 

"We're still very optimistic and very positive about this conference," ani Cariaso.

Ang pagsalang sana sa koponan ng bagong import na si Cameron Clark ang magbibigay sigla at motibasyon sana kay Cariaso subalit, hindi na ito mangyayari sa ngayon dahil sa mga isyung pampamilya at emergency na kinakaharap ni Clark. 

Pinalitan ng Bossing si Ledo dahil bigo nitong maabot ang mga inaasahan sa kaniya kasunod ng mahinang pagganap sa dalawang laro na kanyang nilabanan para sa prangkisa kung kaya naglaro ang Bossing ng all-Filipino laban sa San Miguel.

Nakatakda rin sanang iparada ng Blackwater si Clark sa susunod na laro nito laban sa Barangay Ginebra sa Biyernes.

Matatandaang natalo ang Blackwater sa dalawang laro laban sa Rain or Shine, 110-97, at NLEX, 112-93.

Maaga namang napigilan ng Bossing ang Beermen, ngunit walang sagot nang ibinaba ng San Miguel ang buong lakas nito sa second half, at sa huli ay bigo pa rin ang Bossing na maipanalo ang laban sa score na 128-108.