PBA: Blackwater Bossings tapos na ang kampanya sa PBA 49th Season Governors’ Cup.

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Natapos ang kampanya ng Blackwater Bossing sa PBA 49th Season Governors’ Cup matapos nilang talunin ang Rain or Shine, 139-118, sa Ninoy Aquino Stadium Lunes ng gabi, Setyembre 23.

Hindi napigilan si George King na umariba ng 25 points sa unang quarter at halos pantayan niya ang output ng Elasto Painters sa second period, 14-17, nang itayo nila ang 70-54 halftime lead. Lumaki ang kanilang kalamangan hanggang sa umabot sa 25 puntos na nagbigay sa kanila ng 125-100 na lead sa huling quarter. 

Bagaman sarado na ang pinto para sa Blackwater sa quarterfinals, sumikat naman ang Bossing, sa pangunguna ng halimaw na 64-point scorcher ni King at taas noo na nitong  ipinakita ang buong makakaya para sa koponan at sa kalabang Elasto Painters. 

Nagtapos ang Blackwater na mayroong limang panalo at limang talo katabla ang NLEX subalit hindi nakapasok ang Bossing sa playoffs dahil sa inferior quotients.

Pinangunahan ni rookie player Sedrick Barefield ang Blackwater locals sa pag-iskor ng 21 puntos, kasama ang tatlong iba pang umiskor ng double-digit. Nakuha ng Bossing ang halos 48% mula sa field at nagkaroon ng 57-45 rebounding advantage.

Ang mga Iskor :

BLACKWATER 139 – King 64, Barefield 21, Escoto 13, Rosario 12, Mitchell 11, Corteza 5, Chua 4, Casio 3, Ilagan 3, Montalbo 2, Jopia 1, Ponferrada 0, Kwekuteye 0, Suerte 0

RAIN OR SHINE 118 – Clarito 18, Asistio 14, Fuller 14, Tiongson 11, Lemetti 9, Nocum 9, Ildefonso 8, Caracut 7, Mamuyac 6, Belga 6, Datu 3, Villegas 3, Escandor 2, Norwood 0, Borboran

QUARTERS  : 41-37, 70-54, 106-91, 139-118