PBA: 3rd Place, inangkin na ng Converge vs. Magnolia
Tuluyan nang inangkin ng Converge FiberXers ang No. 3 rank sa Group A para sa quarterfinals matapos talunin ang Magnolia Timplados, 89-82, sa nagpapatuloy na Season 49 ng PBA Governors’ Cup.
Makakaharap na nila ang Group B No. 2 seed na San Miguel Beermen sa best-of-five quarterfinals, habang ang Hotshots naman na nasa ika-4 na pwesto sa Group A ay makakalaban ang top-seeded na Rain or Shine ng Group B.
Ayon kay Converge interim coach Franco Atienza, naging sulit ang kanilang pagsisikap at itinuturing na simula lamang ang lahat dahil sa haharap sila sa matinding hamon ang pagharap sa Beermen.
"We chopped off our goals, little parts, the first one being making the quarters. Right now, we somehow got that pero hindi dito nagtatapos. Next would be playing the playoffs. Medyo malaking challenge 'yun against San Miguel. We want to build on what we're doing right. We finished strong in the elims, hopefully we carry it over and do better (sa playoffs),” ani Atienza.
Samantalang nanguna sa pagkapanalo si Justin Arana na nagtala ng 12 points at 12 rebounds habang si import Jalen Jones ay mayroong 27 point, 12 rebounds at apat na assists.
Ang mga Score:
Converge 89 - Jones 27, Arana 12, Stockton 10, Winston 10, Caralipio 9, Santos 8, Andrade 7, Delos Santos 4, Melecio 2, Cabagnot 0, Ambohot 0, Fornilos 0, Fleming 0, Nieto 0 , Zaldivar 0.
Magnolia 82 - Abueva 11, Alfaro 11, Sangalang 8, Balanza 8, Eriobu 8, Laput 7, Ahanmisi 6, Rice 5, Mendoza 5, Barroca 5, Reavis 2, Escoto 2, Lucero 2, Dionisio 2, Dela Rosa 0.
Quarter scores: 18-27, 41-50, 73-68, 89-82.