Paris Paralympians binigyan ng pagkilala sa Malacañang
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibigay ng parangal sa anim na para athletes na sumabak sa Paris Paralympics sa isang meet and greet na isinagawa sa President's Hall ng Malakanyang.
Sa isang seremonya sa Malacañang, tumanggap ang anim na atleta ng tig-P1 milyon mula sa Office of the President at kasama sa ibinigay ang presidential citation.
Kabilang sa mga tumanggap ng presidential citation at P1 milyon ay sina swimmers Ernie Gawilan at Angel Otom, para archer Agustina Bantiloc, para sa taekwondo jin na si Allain Ganapin, para sa javelin thrower na si Cendy Asusano at wheelchair racer na si Jerrold Mangliwan.
Sa kasalukuyan, may dalawang tansong medalya ang bansa sa Paralympics — para sa weightlifter na si Adeline Dumapong noong 2000 at para sa table tennis player na si Josephine Medina noong 2016.
Magugunitang bago pa man ang pagbabalik sa bansa ng anim na para athletes ay una nang sinabi ni Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo na kinikilala at suportado ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagsisikap ng mga atleta na sumasabak sa Olympics.
"Our President is very supportive who acknowledges and recognizes the efforts of our athletes. Our para athletes did their best at the Paris Paralympics but fell short of reaching the podium. We are proud of their valiant efforts, nonetheless. Now, it is time to return to the drawing board and establish a clear para sports pathway, from grassroots participation—especially among the youth and women—up to the elite level.” ani Barredo