Paralympics: Jerrold Mangliwan hindi na makakapag-uwi ng medalya

Jet Hilario
photo courtesy: 2024 Paris Olympics

Natapos na ang kampanya ng beteranong wheelchair racer na si Jerrold Mangliwan sa  2024 Paris Paralympics. 

Iyan ay matapos niyang malagay sa ika-anim at huling rank sa heat ng men’s 100 meter T52 sa Stade de France sa Paris noong Huwebes, Setyembre 5.

Ang beteranong wheelchair racer ay nagtala ng oras na 19.44 seconds. Tanging ang nangungunang tatlong mula sa bawat isa sa dalawang heat at ang susunod na dalawang pinakamabilis na umabante sa final.

Nanguna si Tomoki Sato ng Japan sa oras na 17.20 segundo, habang si Anthony Bouchard ng Canada ay nagtala ng 17.43 segundo at si Salvador Hernandez Mondragon ng Mexico ang kumumpleto sa Top 3, sa oras na 17.45 segundo.

Si Mangliwan ang ikaapat na atletang Pinoy na lumabas sa Paralympics pagkatapos ng para swimmer na si Ernie Gawilan, para archer Agustina Bantiloc, at para taekwondo jin Allain Ganapin.

Dahil dito, dalawang Pilipinong paralympians na lamang ang nasa medal contention: sina para swimmer Angel Otom at para javelin thrower Cendy Asusano, na parehong umaasang maitala ang ikatlong medalya ng bansa sa kasaysayan ng Paralympics.