Palakasan at Olympic athletes, bahagyang nabanggit ng PBBM sa kanyang 2024 SONA

PB
PHOTO COURTESY: DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Sa isa sa mga pinakamahalagang State of the Nation Addresses o SONAs sa mga nagdaang taon, naglaan ng ilang sandali si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. upang talakayin ng kanyang administrasyon ang ilang kaganapan patungkol sa larangan ng palakasan.

Sa kanyang talumpati na puno ng mga pahayag laban sa offshore gaming operations, pagpapatibay ng territorial claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea, at ang listahan ng mga pangako at nagawa ng kanyang administrasyon sa nakaraang taon, inilalaan ni PBBM ang isang minuto para sa mundo ng palakasan ng Pilipinas sa kanyang ikatlong SONA.

Unang pahayag ng Pangulo, ““Grassroots and sports-for-all programs are back in the mainstream again, catering to Filipinos of all ages. Nailunsad na namang muli ang taunang Palarong Pambansa, matapos ang tatlong taong pagkakatigil nito dahil sa pandemiya.”

Pinuri rin niya ang pagdaraos ng Palarong Pambansa noong 2023 at 2024, at nagpasalamat sa Marikina at Cebu para sa pagho-host ng mga laro.

Sinabi pa ng Pangulo na gagawing mas accessible ang mga programang pangkalusugan sa pamamagitan ng sports, “We will continue to support these health-enhancing sports programs. Through these, we also set forth our youth on the same well-established path that has taken some of our national champions and renowned athletes to sporting greatness.”

Ang Palarong Pambansa ay taunang ino-organisa ng Department of Education, na dating pinamunuan ng katambal ni Marcos noong 2022, si Vice President Sara Duterte.

Binigyang-pansin din ng pangulo ang delegasyon ng bansa sa 2024 Paris Olympics.

“To the twenty-two of our finest athletes, who shall be competing in Paris for the glory of the Philippines: We wish you well and good luck,” sabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati.

Para sa kanyang bahagi, nagpasalamat ang chairman ng Philippine Sports Commission na si Richard “Dickie” Bachmann sa Pangulo sa pagbanggit at pagbati sa mga atletang Pilipino para sa Olympics.

"I am just proud that the President mentioned sports in his speech,” sabi ni Bachmann sa isang pahayag. “Our efforts have been fruitful. Moving forward, we still have a lot to do and we need the support of BBM, POC, NSA’s and PSC to find the next athlete that will represent the country. Let’s pray and support all our athletes competing in the Olympics and Para Olympics," dagdag pa ni Bachmann.

Ngayong taon, magpapadala ang Pilipinas ng 22 atleta sa 2024 Summer Games.

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
5
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
8
Read more

Pacquiao, pursigidong manalo kontra Barrios kahit may edad na

MannyPacquiaoMarioBarriosPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationTopRankMPPromotionBoxing
5
Read more

PSC dinagdagan ng 5k ang allowance ng National Athletes at Coaches

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionPOCNationalAthletesGrassroots
5
Read more

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
21
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
5
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
5
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
8
Read more