Pagkakapasok sa semi-finals “Ipinagkatiwala ko sa Panginoon” - Villegas
Tiwala sa Panginoon.
"Tapos tiwala lang po ako sa Panginoon,” - Villegas
Ito ang unang pinanghawakan ni Pinay boxer Aira Villegas kung kaya’t pasok na siya sa semi-finals.
Tinalo ni Villegas ang kalabang si Wassila Lkhadiri ng France sa women’s 50 kg class event sa score na 3-2 via split decision.
Dahil sa pagkakapanalo ay tiyak nang may bronze medal si Villegas sakaling hindi palaring makapasok sa finals.
Sinabi ni Villegas sa isang interview na sa unang dalawang round umano ng laban ay nawala siya sa focus, dahilan para manggigil siya sa laban.
Pagdating ng third round, ay saka palang ito nag focus at nag relax.
"Sobrang thankful din po ako sa coaches kasi nadagdagan nila yung boost. “Kailangan gawin ko siyang motivation.” ani Villegas.
Sa huli, pinasalamatan ni Villeagas ang kaniyang mga coach dahil sa motivation na patuloy na ibinibigay sa kaniya.
"Happy po, pero kailangan po nating pumasok sa finals kasi yung pangarap ko is yung mapatugtog yung national anthem," dagdag pa ni Villegas.
Samantala, pinuri naman nina Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general Marcus Manalo at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham "Bambol" Tolentino si Villegas dahil sa matapang na pagharap nito sa mga pagsubok na nalalampasan ni Aira lalo na ng mga pagkutya na ibinabato sa kaniya mula sa home crowd.
Makakaharap ni Villegas ang third seed ng Turkey na si Buse Naz Cakiroglu sa semifinals sa Miyerkules, Agosto 7.