Pagiging PBA journeyman hindi na ‘big deal’ kay Tratter

Jet Hilario
photo courtesy: PBA

Sa limang taong paglalaro ni Abu Tratter sa PBA, limang koponan na rin ang kanyang napaglaruan.

Hindi na ‘big deal’ para kay Tratter para bansagan siyang PBA journeyman. Para kay Abu, lahat ng mga pinagdaanan niya sa basketball ay positibo niyang tinatanaw dahil may plano ang Diyos sa kanya. 

"I'm just taking it positively. I know that God has a plan for me. I'm really strong in my religion and that there's really a plan for me and that all I have to do is put in the work and be ready for whatever opportunity that will come." ani Tratter.

Si Tratter ay ipinagpalit ng Magnolia sa NorthPort kasama si Jio Jalalon para sa sophomore na si Zav Lucero.

Bukod sa NorthPort at Magnolia, naglaro din si Tratter dati para sa Converge, Alaska at Blackwater.

Bagama't natalo ang Batang Pier sa kanilang unang laro sa ika-49 na season matapos mahulog laban sa TNT Tropang Giga, masaya si Tratter sa bago nitong koponan dahil na rin sa marami din silang mga batang manlalaro ngayon kung saan maipapakita niya ang kaniyang husay sa basketball. 

"I'm happy to be here, "We've got some young players and I think we can match up well against the other teams. It's a fast-paced team. I think transition is a part of my game that I haven't been able to show and I think I have the opportunity here to showcase that."  dagdag pa ni Tratter.