Organizers ng Paris Olympic all set na sa pagbubukas sa Biyernes; Carlo Paalam at Nesthy Petecio magsisilbing Flag Bearer ng bansa sa Opening Ceremony.
Handa na ang Pamunuan at mga Organizer ng Paris Olympic na magsisimula na sa Hulyo 26.
Ayon kay Paris Olympics supremo Tony Estranguet na umaasa sila na wala silang inaasahang magiging problema mula sa Opening Ceremony hanggang sa Closing Ceremony.
Aniya, mananatili rin silang naka-full alert at vigilant sa buong panahon ng Olympic Games.
Samantala, all set na rin ang delegasyon ng mga atletang Pilipino para sa Paris Olympic sa Biyernes.
Ang mga Boxer Athlete ng bansa na sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio ang inatasan na maging flag bearer para sa gaganaping Opening Ceremony ng 2024 Paris Olympic.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ang mga atletang boksingero ng bansa ang siyang magiging flag bearer sa 2024 Paris Olympics.
Una nang naging flag bearer ng bansa noong taong 1964 sa Tokyo ang boksingerong si Manfredo Alipala ng Negros Oriental, sumunod rito si Arlo Chavez noong 1992, sinundan naman ng Filipino boxer na si Reynaldo Galido noong 1996, Romeo Brin noong 2004, Manny Pacquiao noong 2016 at Eumir Marcial nito lamang 2020 Tokyo Olympics.