Olympic gold dream hindi susukuan ni Marcial
Matapos mabigong makapag-uwi ng medalya mula sa Paris Olympics, determinado at inspirado pa rin si Pinoy boxer Eumir Marcial na balang araw ay makakasungkit din siya ng gintong medalya sa Olympics.
Walang plano si Marcial na sukuan ang kanyang pangarap para makamit ang gintong medalya kaya’t nagpahayag din ito ng interes na sumabak na muli sa boksing sa 2028 LA Olympics.
Ito ay matapos siyang payuhan ng isa sa mga boxing icon na si Gennady Golovkin at sinabihan siyang huwag huminto sa boksing.
Sinabi ni Marcial na ang pagiging isang world champion ay isa sa kanyang mga layunin. Pinayuhan din siya ni Golovkin na mas higit pa umano ang ipinamalas niya sa Olympics kaysa Professional boxing.
Magugunitang si Marcial ay nanalo ng bronze medal sa 2020 Tokyo Olympics kung saan natalo niya ang Algerian boxer na si Younes Nemochi via TKO.
Si Marcial ay nabigong maipanalo ang laban sa men’s boxing event laban kay Turabek Khabibullaev ng Uzbekistan sa Paris Games.