Olympic Dream ni Watanabe nauwi sa talo vs. China
Muling nagwakas ng maaga ang Olympic dream ni Kiyomi Watanabe matapos na mabilis siyang bumagsak sa kamay ng kalabang Chinese sa 2024 Paris Olympic Games.
Tinapos ni Watanabe ang kanyang Olympics bid sa 51-segundong pagkatalo sa pamamagitan ng Ippon o 20-second lock na hindi niya mabitwawan laban kay Jing Tang ng China sa women’s judo -63kg Round of 32 sa Champ-de-Mar Arena sa Paris, France Martes ng hapon (oras sa Manila).
Ito na ang ikalawang sunod na early out ni Watanabe sa Olympics, kasunod ng kaparehong pangyayari matapos siyang matalo din sa laban kay Spanish judoka na si Cristina Cabana Perez sa loob lamang ng 38 segundo sa 2020 Tokyo Olympics noong 2021.
Si Watanabe ang pangatlong Filipino at unang babaeng judo athlete na sumabak sa maraming Summer Olympic Games, na ang huli ay sina John Baylon at Jerry Dino noong 1988 Seoul at 1992 Barcelona Olympic Games.
Si Watanabe ay isang regional champion, na nanalo na sa Southeast Asian Games noong 2013, 2015, 2017 at 2019.