Obiena humingi ng paumanhin matapos bigong makasungkit ng medalya

Jet Hilario
Photo Courtesy: GMA News

Emosyonal na humingi ng tawad sa samabayanang Pilipino si Pinoy Pole vaulter EJ Obiena. 

Ito ay matapos na mabigo siyang makasungkit ng medalya at nagtapos sa ika-apat na puwesto sa grind-out pole vault finale sa Paris Olympics.

Tatlong beses na nag-fault si Obiena sa 5.95-meter mark kung saan hindi na ito nakapasok sa finals.

Nakuha ni Obiena ang mga score sa unang attempt sa 5.50m, 5.70m, 5.85m, and 5.90m pole vault.

Umiiyak na sinabi ni Obiena na nangako umano siya na babalik sa Olympics pagkatapos niyang mabigo sa nakaraang Tokyo Olympics ngunit kinapos siya sa kanyang pagbawi ngayong Paris Games.

“I apologize, I promised I’m gonna go back after Tokyo and do better. I did, but I would say it didn’t change in my book. I came up short, I’m sorry. I apologize for it.” saad ni Obiena.

Masakit at dismayado si Obiena sa nangyaring pagakatalo bagaman maituturing pa ring tagumpay ang pag-improve ng kaniyang record ngayon kumpara noong Tokyo Olympics kung saan nagtapos siya sa 11th place. 

Aminado naman si Obiena na may pagkukulang siya pagdating sa consistency kaya nagtapos lang siya sa ika-apat na puwesto. 

Kahit pa nagtapos si Obiena sa ika-apat na puwesto, ginawa naman umano niya ang lahat ng kaniyang makakaya para sa Olympic Game. 

“I think it’s just consistency overall. I missed one attempt and that was the point of a medal to a non-medalist. Sports is beautiful but also brutal, I understand that.”

“Going in, consistency I’m lacking. I felt I needed a little bit more time, but it’s the Olympics and it’s not gonna wait for anybody. Even with the fourth place, I’ve done everything I can. I’m proud of the effort of my team, myself, and everybody that made this possible. But it doesn’t make it less painful.” dagdag pa ni Obiena