NU Lady Bulldog coach nagbitiw na sa pwesto

Jet Hilario
Photo Courtesy: UAAP Media Bureau (Spin.ph)

Nagbitiw na bilang head coach ng National University si coach Norman Miguel. 

Sinabi ni Miguel sa isang interview na mas minarapat niyang mag-apply muna sa  Administrative position sa NU Sports Academy sa Laguna. 

Gusto din niyang magturo ng sports at magbahagi ng kanyang kaalaman sa larong Volleyball. 

Isa rin sa mga rason kung kaya siya nagbitiw bilang coach ay dahil na rin sa stress, hindi umano gaya ng nasa admin works na less stress. 

“Challenging siya pero medyo less ang stress level. Looking forward pa rin na makapasa ako sa application ko,”  ani Miguel

Pansamantalang papalit kay Miguel bilang coach ay si Karl Dimaculangan na siya rin ang hahawak sa Lady Bulldog team sa V-League. 

Sa kasalukuyan, naghahanap na ang NU ng papalit kay Miguel bilang head coach ng NU Lady Bulldog. 

Tiwala naman ang dating coach na kayang kaya ng iniwan niyang team na lumaban sa sa mga susunod na kompetisyon lalo na sa season 87 ng UAAP sa susunod na taon. 

Taong 2019 nang hawakan ni Miguel ang Lady Bulldogs subalit nagbitiw ng sumunod na taon matapos na matalo ang kanilang koponan noong season 85.