Novak Djokovic bigong makuha ang second Wimbledon Title laban kay Carlos Alcaraz

Rico Lucero
PHOTO COURTESY: SKY NEWS

Bigo si Novak Djokovic na makuha ang panalo para sa Second Wimbledon Title kontra Carlos Alcaraz.

Nakuha ni Carlos Alcaraz ng Spain ang ikalawang Wimbledon title laban kay 24 time Grand Slam winner Novak Djokovic sa Men’s Single Final.

Nakuha ni Alcaraz ang iskor na 6-2, 6-2, 7-6, 7-4 kontra kay Djokovic.

Aminado naman si Djokovic na hindi naging madali ang laban niya kay Alcaraz.

Aniya, mahusay at kontrolado ni Alcaraz ang paglalaro ng tennis at halos hindi na rin makasabay si Djokovic sa bilis ni Alcaraz.

Bagaman hindi nagkapalad na manalo sa laban, sinabi nitong hindi pa dito nagtatapos ang kaniyang karera sa larangan ng tennis.

Plano rin aniya niyang sumabak at lumaban pa sa mga darating na Olympic Games at makakuha ng Medalyang Ginto para sa kaniyang bansa.