Norman Fegidero itinalagang coach ng Men’s football team sa bansa

Jet Hilario
photo courtesy: One Sports

Itinialaga na ng Philippine Football Federation si Philippine football legend Norman Fegidero bilang interim coach ng men’s team kasunod ng pag-alis ni Tom Sainfiet bilang coach nito.

Dahil dito ay si Fegidero na ang pansamantalang coach ng men’s football team ng bansa  sa pagsisimula ng 2024 Merdeka Cup sa Kuala Lumpur, Malaysia sa buwan ng Setyembre.

Sinabi ni PFF director Freddy Gonzalez na ang pansamantalang appointment kay Fegidero ay magbibigay-daan sa PFF para makahanap ng permanenteng kapalit ni Saintfiet.

“Given the circumstances, we needed to act quickly. Norman was the assistant coach in the last four games and was the obvious choice to take charge in the interim. With some of our staff departing along with Tom, we needed to bring in additional support,” ani Gonzalez

Magugunitang hiniling ng Mali Football Federation si Sainfiet na lumipat na sa bansang Mali matapos ang pagiging coach nito mula noong buwan ng Pebrero.

Si Sainfiet ang magiging head coach ng Mali Football Federation sa qualification campaign sa 2025 Total Energies Africa Cup of Nations.

Sa pamumuno ni Sainfiet sa Men’s Football Team ng bansa ay apat na beses na natalo ang Philippine football team sa FIFA World Cup Qualifiers.

Samantala, nangako naman si Mark Torcaso, ang head coach ng women’s national football team na tutulong din ito kay Fegidero para asistehan ang Men’s Football Team.