NLEX, may mga ginagawang adjustments para makasungkit muli ng panalo

Rico Lucero
NLEX head coach Jong Uichico/Photo by: Editorial Team

Nagbubunga pa rin kahit paano ang ginawang adjustments ng NLEX Road Warriors para maitabla sa 1-1 ang kanilang standing kontra TNT nitong mga nakaraan nilang laro.

Magugunitang nakuha ng NLEX ang kanilang unang panalo sa kanilang best-of-five quarter final series ng PBA Season 49 Governors’ Cup laban sa TNT Tropang Giga noong September 27, Biyernes ng gabi, sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna.

Sa eksklusibong panayam ng Laro Pilipinas kay NLEX head coach Jong Uichico, ibinahagi ng nine-time PBA champion mentor ang kanyang assessment sa kanilang huling laro, “Generally, okay lang. Nagawa naman nila ang kanilang mga adjustments. Hindi kami nakapag-react sa mga adjustments nila.”

Sinabi rin ni coach Jong Uichico na ang mga adjustments na kanilang ginawa sa koponan ang naging susi naman sa kanilang panalo sa nakaraan. Ito rin ang naging pananaw na ibinahagi ng isa sa mga defense anchor na si Enoch Valdez, na nagbahagi rin ng kanyang karanasan sa amin.

“Kahit natalo kami, we'll make some adjustments. We'll do some viewing,” ani Valdez.

“Ganyan ang basketball. Gumawa ka ng iyong mga pagsasaayos at pagkatapos ay sana ay gumana ang iyong mga pagsasaayos. At saka kami naman, we try to react to their adjustments. Pagkatapos, alam mo, hindi namin nagawa iyon. So for the next game tomorrow, hopefully we can make the proper adjustments and react to it.,” dagdag naman ng  Road Warriors head coach.

Sinabi rin ni Uichico na umaasa siya na makakahanap pa sila ng tamang adjustments para sa panalo ng kanilang koponan at kung ano ang magiging reaksyon naman ng mga kalaban sa kanilang patuloy na pagharap sa Tropang Giga.

Samantala, tiyak ni Valdez na makakapag-adjust sila sa kanilang mga susunod na laro at sisikapin din nitong patuloy na malimitahan ang efficiency ni Rondae Hollis-Jefferson para magkaroon sila ng bentahe sa laban.

“Hindi mo siya kailangang pigilan. Kailangan mo lang limitahan ang average na 40-30 plus isang laro. Kung nililimitahan mo ito sa 20 plus, malaking bentahe sa amin,” sabi pa  Valdez.

Sinabi naman ni  NLEX scoring machine Robert Bolick na sa playoffs ay nakalagay na ang lahat at ang kailangan lang nilang gawin ay maglaro nang husto at gawin ang mga istilo ng kanilang laro sa koponan.

“Okay naman ang laro natin. Playoffs na yan. Alam ng team namin kung ano ang gagawin, kailangan lang namin mag-execute ng maayos,” ani Bolick.

Sa pananaw naman ng import na si Dequan Jones na tinalo nila ang kanilang sarili kaya natalo sila sa kanilang unang laro noong nakaraang Miyerkules.

“I think to some extent they didn't beat us. We beat ourselves with turnovers. Even with the amount of turnovers we had and still to only lose by that margin,” sabi ni Jones. 

“I think that speaks to what type of talent and what kind of team we have. I don't think they beat us. I think we beat ourselves,” dagdag pa ni Jones.

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more