Nesthy Petecio mag-uuwi ng bronze mula Paris Olympics
Bigong naipanalo ni Filipina boxer Nesthy Petecio ang laban kontra Julia Szeremeta ng Poland via split decision sa women’s 57kg semifinal na ginanap sa Roland Garros Stadium nitong Huwebes, Agosto 8 (Manila time).
Si Petecio, isang silver medalist sa Tokyo Olympics, sa halip ay mag-uuwi ng bronze para sa Pilipinas.
Nakuha ni Petecio ang puntos ng limang hurado sa unang round ng kanilang laban na may malulutong na suntok at matiyagang pag-atake ngunit humabol ang Polish boxer na nagsimulang kumonekta sa huling dalawang round at nagpa-landing ng malalaking suntok sa huling minuto ng laban kung saan nakasungkit siya ng 29-28, 29-28, 29-28, 29-28, 28-29 na pagkapanalo.
Ang pagkapanalo ni Szemereta ang nagpa-iwas sa maaring maging showdown sa pagitan ni Petecio at ng matagal nang karibal na si Lin Yu-ting ng Chinese Taipei sa finals.
Makakaharap ni Szemereta si Lin sa final. Tinalo ng Chinese boxer si Era Yildiz Kahraman ng Tukey sa semifinal sa pamamagitan ng unanimous decision, ang kanyang ikatlong sunod na tagumpay sa torneo.
Ang exit ni Petecio ay nangangahulugan din ng pagwawakas ng quest ng Pilipinas sa Paris para sa Olympic boxing gold na matagal nang gustong makamit ng bansa sa loob ng 100 taong paglahok sa Summer Games.
Sa kabila ng kanyang pagkatalo, kasama si Petecio isang exclusive club ng mga Pinoy na nanalo ng maraming Olympic medals, kabilang ang swimmer na si Teofilo Yldefonso, weightlifter Hidilyn Diaz, gymnast na si Carlos Yulo, at naging unang boksingerong nakagawa nito.