Nesthy Petecio kumpiyansa na makakakuha ng gintong medalya sa Paris Olympics.
Tiwala si Filipina boxer athlete Nesthy Petecio na makakakuha siya ng gintong medalya sa Paris Olympic.
Ito ay dahil aniya sa mga naging karanasan at kasanayan na kaniyang natutuhan sa mga nagdaang palaro na kaniyang sinalihan.
Sinabi pa nito na kung anomang pressure ang ibinabato sa kanila ngayon ng publiko lalo na at papalapit na ang Olympic Games ay alam na aniya nila ang kanilang gagawin at kasama talaga aniya ng mga atleta ang pressure sa kanilang laban.
Aminado si Petecio na isang malaking hamon sa kaniya at pressure ang nakalipas na Tokyo Olympics
Pinaalalahanan din sila ni ABAP Secretary General na doon lamang unano sila dapat mag-focus sa kaya nilang i-handle.
Naniniwala si Petecio na kaya nitong i-handle ang sarili sa laban dahil alam nito ang kaniyang performance.
Isa si Petecio sa mga nakatalaga na makasama na maging Flag bearer ng bansa sa Opening Ceremony ng 2024 Paris Olympics.