NBA player Joel Embiid ginawaran ng Order of Valor sa Cameroon
Ginawaran ng Order of Valor si Philadelphia 76ers bigman Joel Embiid ni Cameroon President na si Paul Biya. Ang naturang gawad pagkilala ay ibinigay kay Embiid dahil sa pagkakasungkit nito ng gintong medalya sa katatapos na Paris Olympics.
Si Embiid ay umuwi sa Cameroon para personal na tanggapin ang pagkilala, at ang naturang medalya na ibinibigay sa mga mamamayan ng Cameroon na mayroong ‘exceptional contribution’ sa kanilang bansa na may angking talento sa larangan ng pag-arte, agham, agrikultura at komersyo.
Si Embiid ang pangatlong tubong Cameroon na nakapasok upang makapag laro sa NBA, kabilang sina Ruben Boumtje noong 2001 at Luc Mbah a Moute noong 2008. Si Embiid din ang may pinakamataas na draft selection bilang pangatlo sa overall noong 2014.
Hawak ni Embiid ang isang MVP title, pitong All-star, dalawang scoring champ title at pinangunahan din niya ang Sixers sa nakalipas na pitong playoffs.
Samantala, pinag-iisipan ngayon ni Embiid na i-representang muli ang Cameroon sa susunod na 2028 LA Olympics.
“Paris is a great city and the next one is LA. It might not be with Team USA, it might be with Cameroon." ani Embiid.