Natupad na ang pangarap ko - Khelif

Jet Hilario
Photo Courtesy: Richard Pelham/Getty Images

Natupad na ni Algerian boxer Imane Khelif ang kaniyang pangarap na makapag-uwi ng gintong medalya mula sa Paris Olympics. 

Ito ay matapos na masungkit nito ang gintong medalya para sa women’s welterweight boxing sa Paris Olympics. 

 Tinalo ni Khelif si Yang Liu ng China sa pamamagitan ng unanimous decision ang score 5-0.

Si Khelif ang unang babae sa Algeria na nagwagi ng Olympic boxing title at unang boksingero sa kaniyang bansa na nagwagi ng gintong medalya mula ng makuha ng medalya si Hocine Soltani sa Atlanta Olympics noong 1996. 

Sinabi ni Khelif na ang pagkakapanalo niya ng gintong medalya sa Olympics ay pangarap na natupad sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari na sa likod nito. 

"For eight years, this has been my dream. I'm now the Olympic champion and gold medalist. We are in the Olympics to perform as athletes, and I hope that we will not see any similar attacks in future Olympics." ani Khelif.

Muling binanggit ni Khelif na siya ay isang babae at iyon aniya ang kanyang tunay na kasarian. 

"I'm fully qualified to take part in this competition. I'm a woman like any other woman. I was born as a woman, I live as a woman, and I am qualified," dagdag ni Khelif.