MPBL: San Juan Knights panalo vs. Manila Star

Jet Hilario
Photo courtesy: Philstar

Nalampasan ng San Juan Knights ang mga huling pag-atake ng Manila Stars sa fourth quarter ng laro para maangkin ang panalo sa score na 80-78, nitong Lunes sa 6th MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Season sa FilOil Eco Oil Center sa San Juan.

Umiskor sina Orlan Wamar at Nikko Panganiban ng tig-siyam na puntos sa fourth quarter para isalba ang laro ng San Juan at makuha ang ika-12 sunod na panalo.

Dahil sa panalo, umakyat sa 21- 1 ang standings ng San Juan sa round-robin elimination phase ng two-division, 29-team tournament.

Ang Knights ay nasa likod mismo ng pacesetting Pampanga Giant Lanterns, na nasa 22-game roll pagkatapos ng unang pagkatalo.

Nagposte si Wamar ng 21 points, pitong assists at apat na rebounds para masungkit ang Daily Fantasy Best Player honors habang si Panganiban naman ay nakapagtala ng 15 points, tatlong rebounds at tatlong assists, at AC Soberano, na nagtala ng 14 points at 9 rebounds.

Samantala humakot naman ang Manila Stars ng 16 puntos, 10 sa fourth quarter ang mula kay Joshua Torralba; 15 puntos kasama ang walong rebound naman mula kay Greg Slaughter, 11 puntos mula kay Carl Bryan Cruz, at siyam na puntos at siyam na assist mula kay Enzo Navarro.

Una rito, nanalo rin ang San Juan Knights laban sa Imus Agimat VA Drones nitong nakaraang linggo at kasunod ng 11 panalo ng knights ay umakyat na ito sa 20-1 standing sa round robin elimination phase ng 29-team tournament.