MPBL: Release ng Ilo-ilo Royals hinihintay ni Nonoy para makapaglaro na sa PBA
Nakalulungkot para sa mga fans ni Mark Nonoy dahil dahil kailangan pa nitong maghintay ng halos isang buwan bago makapag-debut game sa PBA.
Ito ay dahil sa ang Iloilo United Royals ng MPBL ay hindi nagmamadaling i-release si Nonoy sa Terrafirma.
Pinili ng Dyip si Nonoy bilang No. 10 overall pick nila noong nakaraang PBA Rookie Draft.
Hindi rin pumapayag sa ngayon ang MPBL na bitawan agad si Nonoy, kahit na wala nang dapat pang pagtalunan ukol sa magiging arrangement nito sa PBA.
Nanganganib din na masuspinde si Nonoy at ang kasama nitong si CJ Catapusan dahil sa hindi pagdalo sa mga pagsasanay at pag-liban sa ilang mga laro sa Iloilo. Nakatakda na ring makipag-usap ng MPBL sa pamunuan ng Ilo-ilo tungkol sa usaping ito.
Samantala, sinabi naman ng benefactor ni Nonoy na si dating Basilan Steel general manager Jackson Chua na gusto ng Iloilo na i-buyout ang kontrata ni Nonoy.
“Yun ang gusto ng Iloilo, bilhin ng Terrafirma yung remaining part ng contract ni Mark. Kaso halos eliminated naman na sila. So dapat may consideration na lang. Saka alam ko never akong nagkaroon ng relationship sa MPBL at PBA teams na magkakaroon ng buyout," ani Chua
“...With no release or buyout, kailangan maghintay ni Mark ng end of contract which is September 24 pa. Kawawa naman yung bata kasi ang daming mawawala na opportunity sa kanya." dagdag pa ni Chua
Sa kasalukuyan, mayroon nang apat na panalo ang Iloilo sa likod ng eight-running Negros Muscovados sa karera sa playoffs at kailangan pang harapin ng koponan ang mahihirap na kalabang Pangasinan, Biñan at Valenzuela bukod sa 1Bataan at Saranggani.
Gayundin, isang panalo na lang ang kailangan ng Negros laban sa Paranaque, 1Bataan o Caloocan para makuha ang ika-8 at huling puwesto sa playoffs.