MPBL: Pasay wagi vs Muntinlupa via OT

Jet Hilario
Photo courtesy: MPBL

Tinalo ng Pasay Voyagers ang Muntinlupa Cagers, sa score na 80-73, sa overtime game nitong Huwebes sa Sixth Season ng MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) sa Cuneta Astrodome.

Si Laurenz Victoria ay bumida sa ikawalong sunod na panalo ng Voyagers na nagpakawala ng huling anim na puntos sa overtime dahilan kung kaya umangat sila sa 14-8 record sa round-robin eliminations ng 29-team tournament.

Gayunman si Warren Bonifacio ang nagligtas ng araw para sa Pasay nang magapakawala din ito ng three-pointer sa nalalabing 41 segundo ng laro. 

Nakapag-ambag si Bonifacio ng 21 puntos, pitong rebounds, at limang assists, habang nagtala naman si Victoria ng 17 puntos, anim na rebounds, limang steals, at apat na assists.

Nag-ambag din ng 16 puntos, walong rebounds, at anim na assists si Cyrus Tabi, na nagpasiklab sa pamamagitan ng isang three-point play sa pagtatapos ng kanilang 9-0 run para i-selyo ang laro.

Natalo naman ang Cagers na ngayon ay may 7-15 standing, nagtala pa rin ng 21-points,  seven rebounds, 6 assists effort si Makoy Marcos at nagdadag naman ng 18 points si Alfred Flores (16 sa fourth quarter) at may sumungkit ng apat na rebounds.