MPBL: Pangasinan Heatwaves wagi vs. Zamboanga Master Sardines
Panalo ang Pangasinan Heatwaves sa score na 75-74 kontra Zamboanga Master Sardines sa kanilang pagahaharap sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.
Isa sa naging susi sa panalo ng Heatwaves ay magandang pasa ng bola ni Nat Consejo kay Michael Mabulac para maka-iskor sa nalalabing tatlong segundo ng laro.
Nag-ambag si Mabulac ng 17 points, 7 rebounds, 4 assist, habang si Juico naman ay nakapagtala ng 14 points, 5 rebounds at 2 assist.
Dikit ang laban ng dalawang grupo subalit umiskor ng tres si Rey Publico ng Zamboanga kung kaya umangat sa 71-65 ang iskor sa nalalabing 1:49 sa fourth quarter.
Subalit hindi ito pinalampas ng Heatwaves kung kaya't sumagot ng 8-0 run ang Pangasinan mula sa free throws nina Gabo at Mabulac na sinundan ng driving layup ni Consejo para makuha ang 71-73 na kalamangan, 12 segundo nalalabi sa laro.
Muling nagtangkang kumuha ng layup shot si Gabo ngunit mabilis itong natapal ni Marcelino. Nabigayan naman ng pagkakataong muli sa Heatwaves para magawa ang winning shot kung kaya nakuha na ng Heatwaves ang panalo.
Nakapagtala naman si Publico ng 15 points at tatlong boards, at si Marcelino naman ay may 15 points, 4 rebounds, 2 assists at steals, habang nanguna naman sa iskoring si Pedrito Galanza, Jr. na may 17 puntos, pitong rebounds at dalawang assists.
Samantala, nakatakda namang magharap-harap ngayong Martes sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna ang Paranaque laban sa Marikina, Pasay vs. Caloocan, at Nueva Ecija kontra Biñan.