MPBL: Nueva Ecija hindi nakaporma sa Biñan
Bigong makuha ng Nueva Ecija ang panalo kontra sa Biñan sa kanilang paghaharap sa Alonte Sports Arena nitong Martes, ang score 99-82.
Bumida sa panalo ng Biñan si KG Canaleta na nakapagtala ng 23 points at 4 rebounds, kung saan nakakuha ito ng perpektong 5-of-5 shooting.
Dahil sa panalo ng Biñan, nakuha na nila ang ika-14 na panalo laban sa walong talo sa round-robin elimination ng 29-team tournament.
Sa umpisa ng laro, hinayaan muna ng Biñan ang kalaban na madomina ang laban subalit inagaw na agad nito ang kalamangan at tuloy-tuloy nang kinontrol ang laro hanggang sa third quarter ng laban. Umiskor naman si Jonathan Gray ng 7 points dahilan kaya lumamang sila sa score na 62-39 at tuluyan nang hindi nakabawi ang Nueva Ecija.
Samantala, nakapag-ambag din si Marc Pingris ng 8 points, 10 rebounds, 4 na assists, 2 steals at 2 blocks.
Ang MPBL ay babalik sa Batangas City Coliseum ngayong Miyerkules para sa paghaharap ng Negros laban sa Muntinlupa sa alas-4 ng hapon, Davao laban sa Zamboanga sa alas-6 ng gabi, at South Cotabato laban sa Batangas ng alas-8 ng gabi.