More effort inaasahan kay Mckinnis - coach Jarin

Jet Hilario
photo courtesy: PBA

Bagaman nakalasap ng dalawang magkasunod na talo, ikinatuwa pa rin ni Phoenix Fuel Masters head coach Jamike Jarin ang nangyari sa kanilang koponan dahil sa nakita nitong pagsisikap ng kanilang mga manlalaro na maipanalo ang laban. 

Dahil dito, hinihintay ni Jarin dagdag na effort mula sa kanyang import na si Jayveous McKinnis at pagbutihin pa ang kanyang paglalaro upang matapatapan ang magandang ipinapakita ng kanyang local unit. 

"We just want a little bit more from our import. As a team, we were playing better, especially the locals, but we need Jayveous to exert more effort and complement the locals," ani Jarin.

Ipinakita ni McKinnis ang kanyang husay ng gumawa ng 15 puntos at humakot ng 14 rebounds sa huling laro ng koponan laban sa Road Warriors kung saan siya ay ganap na pinangungunahan ng kanyang katapat na si Mycheal Gerome Henry, na nagpa-ulan ng 37 points.

Matatandaang natalo ang Phoenix Fuel Masters sa unang dalawang laro sa PBA Governors' Cup, kabilang ang 95-100 na score  laban sa NLEX kung saan kinulang ang Fuel Masters para  makumpleto ang kanilang pagbabalik mula sa 23-point deficit noong Linggo ng gabi.

Kailangan ng Fuel Masters ngayon ang matinding team effort sa paglalaro upang maka-ahon sa kanilang 0-2 record lalo na at susunod nilang haharapin ang Rain or Shine Elasto Painters, na nangunguna kasama ang San Miguel Beermen sa standing ng Group B na may magkaparehong 2- 0 standing. 

“Normally, we take the staircase to be able to succeed, but since we are 0-2 right now, it means we need to take the elevator para mas mabilis kaming makaahon,” dagdag ni Jarin.