Mongolia, tinambakan ng Masters Pinoy Pilipinas Basketball sa Game 1

Tinambakan ng Masters Pinoy Pilipinas Basketball 45UP team ang Mongolia sa Game 1 ng kanilang laban sa nagpapatuloy na 2025 World Masters Games sa Taipei, Taiwan.
Dahil dito ay nasungkit ng Masters Pinoy Pilipinas Basketball 45UP team ang kanilang unang panalo, 96-67 sa Fujen Catholic University Gym.
Isang dominanteng performance ang ipinakita at pinakawalan ng koponan na naging susi sa kanilang pagkakapanalo, kung saan ipinamalas nila ang husay, disiplina, at pagkakaroon ng puso sa basketball.
Bukas, araw ng Sabado isasagawa ang Game 2 tatangkain ng Masters Pinoy Pilipinas Basketball 45UP team na muling makakuha ng panalo laban sa Lithuania, kung saan tiyak na muling ipapakita ng Team Pilipinas ang kanilang galing at tapang sa court.
Samantala, kuntento din si Masters Pinoy Pilipinas Basketball 45UP team Head Coach Arlene Rodriguez sa naging performance ng kaniyang mga manlalaro sa katatapos na laban at umaasa ito na ibibigay ng kaniyang koponan ang lahat ng kanilang buong makakaya para muling makasungkit ng panalo sa Game 2.
“Always give the best!”ani Coach Rodriguez.
