Moares-Kingad II kasado na sa Nobyembre
Maghaharap sa ikalawang pagkakataon sina Filipino MMA fighter Danny “The King” Kingad at ang former ONE Flyweight MMA World Champion Adriano Moraes sa ONE 169: Atlanta sa Nobyembre 8.
Nakakita ng magandang oportunidad si Kingad sa pagkakataong ito para mapatunayan na siya ay kabilang pa rin sa mga tinaguriang “elite division”.
Si Kingad ay kasalukuyang nasa ikatlong pwesto sa flyweight class mula nang matalo siya kay Yuya Wakamatsu ng Japan sa pamamagitan ng unanimous decision.
Para kay Kingad, pagkakataon din niya ito para ipaghiganti ang kanyang pagkatalo sa mga kamay ni Moraes sa una nilang paghaharap noong 2017.
Kung paanong gustong bumawi ni Kingad sa laban niya kay Moraes, ganito din ang gustong mangyari ng kabilang panig.
Gutom sa laban ngayon si Moraes at hindi nito uurungan si Kingad sa kanilang rematch at madepenshan ang kanyang flyweight title dahil para kay Moraes, isang banta para maangkin ni Kingad ang World Title na hawak niya ngayon.
Sa kabuuan, mayroong 15 fights si Kingad kung saan 11 sa mga ito ay ang kaniyang panalo at 3 talo, habang si Moraes naman ay mayroon ding 15 fights kung saan 10 sa mga ito ay ang kaniyang panalo at 4 na talo.