Miyembro ng Obstacle Course Race (OCR) ng Pilipinas, pumanaw na

MervinGuarte ObstacleCourseRace TrackAndField
Rico Lucero
photo courtesy: Philippine Obstacle Sports Federation/FB page

Pumanaw na ang beteranong miyembro ng koponan ng Obstacle Course Race (OCR) ng Pilipinas at Southeast Asian Games multi-medalist na si Mervin Guarte. 

Si Guarte ay pinagsasaksak hanggang sa mamatay ng hindi pa nakikilalang suspek habang ito ay natutulog nitong Lunes ng madaling araw ng January 6, sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Sa imbestigasyon ng PNP Provincial Regional Office MIMAROPA, natutulog ang biktima sa sala ng bahay ng isang barangay kagawad nang pumasok ang suspek dakong alas-4:30 ng madaling araw at pinagsasaksak sa dibdib si Guarte. 

Mabilis namang tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon matapos ang krimen.

Sinabi ni Calapan City Youth & Sports Development officer Marvin Panahon, na si Guarte ay nakita umano sa isang inuman sa Camilmil Village bago nangyari ang pananaksak.

Si Guarte ay nagsimulang kumatawan sa Pilipinas sa athletics noong 2011 Jakarta SEA Games at nag-uwi ng isang pares ng silver medal sa men's 800m at 1500m events.

Lumipat siya sa obstacle course racing noong 2019 kung saan nakuha nito ang kanyang unang SEA Games gold, nang i-host ng Manila ang biennial meet anim na taon na ang nakararaan matapos ang paghahari sa men's 5km race.

Nasungkit din ni Guarte ang isa pang ginto sa 2023 SEA Games sa Cambodia matapos i-angkla ang OCR men's relay team.

Samantala, ikinalungkot naman ng Philippine Obstacle Sports Federation at maging ng ibang mga atleta sa bansa ang nangyaring pagpatay kay Guarte. 

“We are still in shock, very sad,” ani Philippine Obstacle Sports Federation president Alberto Agra.

“Nakakabigla, malungkot kami mga national athletes na kasamahan mo sa nangyari. Mine-message mo pa naman ako lagi sa tuwing nananalo ako. Justice para sa iyo,” ani Nestyh Petecio.

Nagpahayag na rin ng pakikidalamhati sa pamilya ni Guarte si Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino. 

“Mourning for our one of the medalist athletes from Patafa to Obstacle for his untimely demise,” ani Tolentino.

Philippine Athletics Championships 2025 isasagawa sa Tarlac City

LaurenHoffmanJohnTolentinoDariodeRosasJeoffreyChuaRelideLeonPhilippine Athleticsathletics
4
Read more

UST Growling Tigresses at Pilipinas Aguilas, maghaharap sa WMPBL Finals

EkaSorianoKentPastranaPrincessFabruadaGedAustriaJohnKallosUSTGrowling TigressesPilipinasAguilasGaleriesTowerSkyrisersDiscoveryPerlasWMPBLBasketball
11
Read more

Creamline, paghahandaan ang AVC Womens Champions League sa Linggo

AlyssaValdezBernadettePonsJemaGalanzaCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Converge, nasungkit ang kanilang unang panalo kontra Phoenix

AlecStocktonJustinAranaConvergeFiberXersPBABasketball
5
Read more

Ikalawang sunod na panalo nakuha ng Meralco Bolts kontra Dyip

ChrisNewsomeBongQuintoChrisBancheroMeralcoBoltsPBABasketball
10
Read more

Australia, hinakot ang lahat ng medalya sa AVC Beach Tour

PaulBurnettLukeRyanAustralianVolleyballBeachVolleyball
11
Read more

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlasPilipinasBeachVolleyball
12
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
16
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
8
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more