Mga weightlifter ng bansa Inspiradong lumaban sa Paris Olympics
Inspirado ngayong lumaban ang tatlong weightlifters ng bansa na sina John Ceniza, Elreen Ando, at Vanessa Sarno dahil sa makasaysayang panalo na ginawa ni gymnast at two time gold winner na si Carlos Yulo.
Hindi lang si Yulo ang naging inspirasyon ng tatlo kundi maging si Tokyo gold winner Hidilyn Diaz.
Umaasa ang tatlong weightlifters na makakapag-uwi din sila ng medalya kagaya ni Yulo at Aira.
Bagaman hindi nangako ang tatlo na makakasungkit ng gintong medalya subalit ibibigay naman ng nila ang lahat ng kanilang makakaya para manalo sa kompetisyon.
Sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella, na mahirap umano ang laban at umaasa sila sa kung ano ang ipagkakaloob sa kanila ng Panginoon.
“Mahirap ang laban, at lalaban lang ng todo ang mga bata. We’ll never predict, we’ll just give it to the Lord, and the Lord will do the rest,” ani Puentevella.
Si Ceniza ay No. 4 at katabla si Indonesian Eko Irawan at makakaharap nila ang mga top seed gaya nina Li Fabin ng China, No. 2 Morris Hampton Miller ng US at No. 3 Sergio Massidda ng Italy.
Si Ceniza ay sasabak ngayong araw para sa 61kg event sa South Paris Arena.
Matatandaang nag-qualify si Ceniza sa Olympics matapos na makuha nito ang ika-limang pwesto sa weightlifting Federation ranking.